Thursday, September 22, 2011

Kilala mo ba ako?

Madalas mo akong nakakasama, nakakatawanan at nakakausap, pero kilala mo ba ako? Madalas tayong magkasama at pareho tayong nagbabahagi ng mga nararanasan natin, pero kilala mo ba ako? Di na natin mabilang lahat ng mga pinagdaanan natin, pero kilala mo ba ako?

Kung kilala mo ako, alam mo ba na marami na akong pagsubok na pinilit lagpasan? Alam mo bang gaya mo, minsan ko naring naisip sumuko? Alam mo ba kung gaano kasakit ang mawalan ng isang taong ni hindi mo nakita? Alam mo ba ang pakiramdam kapag natanto mong bunga ng isang magulong sitawasyon? Alam mo ba ang pakiramdam kapag pinipilit ko lang maging masaya? Alam mo ba ang pakiramdam ng pag-iwas sa pag iisip ng mga bagay na komplikado, dahil ayaw mong matanto mo kung gaano ka-komplikado ang mga pangyayari sa paligid mo? Alam mo ba ang pakiramdam ng pilit mong pagbahagi ng mga nararanasan mo sa iba para magabayan sila, pero hindi sila nakikinig? Alam mo kung gaano kahirap magbahagi ng nararamdaman ko?

Hindi mo ako kilala. Hindi kita kilala.

No comments:

Post a Comment