Monday, September 26, 2011

Ang tipo kong babae..

Unang-una sa lahat syempre, GOD-FEARING! iba na ang babaeng may takot sa Diyos, takot gumawa ng mali gaya ng pangangaliwa?

Mahilig ako sa maputi. Mapula ang lips kahit walang lip gloss. Malinis sa katawan. Higit sa lahat mabango.

Malambing. Maalalahanin. Alam nya kung pano ka niya patatawanin.

Rockstar. Ang galing kaya ng mga babaeng marunong tumugtog o magaling kumanta. Siya yung manghaharana sayo.

SIGASTIG (siga-astig). Gusto ko yung medyo boyish ang dating kasi kikiligin ka kapag nakita mo ang kakikayan nila.

Ayoko sa clown. Lagi na lang, araw araw, maya maya, pagkakapal kapal pa ng make up. That doesnt make you prettier girl. :)

Ayoko sa nuknukan ng arte.

Ayoko sa sosyalera lalo na kung wala namang ipagyayabang.

Ayoko sa mahilig magboyfriend. Lahat na lang ata ng nanliligaw sa kanya sinagot niya at lahat na lang ata ng lalake e flinirt niya. Gusto ko yun iniisip munang mabuti ang pakikipagrelasyon. Hindi naman sa pagiging choosy or pakipot yun dahil “mas konti bf mo, mas respetado ka."

No comments:

Post a Comment