Saturday, August 6, 2011

Bakit nga ba accountancy?

Aminin mo, kumuha ka ng kursong accountancy dahil oportunista ka.

Mataas na sahod. Magandang propesyon. Tunog pang-matalino. Sosyal. Yan ang mga dahilan.

Kalokohan ang mga nagsasabing kinuha nila ang accountancy dahil sa ‘passion’ nila ito. ‘Passion’ ang magpalaki ng eyebag, ‘passion’ ang mabaliw, ‘passion’ ang manloko sa audit firm, isang malaking kalokohan.

Nangarap kang maging CPA. Nangarap kang maging mayaman. Pero ang totoo, wala kang ka-ide-ideya sa mundong pinasok mo.

Simpleng debit credit sa una. At nakakabangag na crebit dedit na sa mga susunod na kabanata.

Bakit nga ba accountancy? Ni dine-deny mo na nga na ito ang talagang kursong gusto mo.

Nakaka-depress kahit sa konting pagkakamali. Bakit? Dahil may nakaka-pressure na cut-off grade.

Gusto mo nang bumitaw, gusto mo nang sumuko. Pero hindi mo syang magawang iwan dahil naumpisahan mo na siya.

Bakit nga ba accountancy? Dahil dito ka na napadpad, kelangan mo na syang panindigan.

Dito, sa kursong to, madami kang pagdadaanan.

Hindi lang ang trabahong worksheet, hindi lang ang mga laslas na problems.

Kundi, dito mabubuo ang tunay na pagkakaibigan, tunay na hirap, at iba’t-ibang mga realisasyon sa buhay.

Bakit nga ba accountancy? Dahil sa panahong nangungulila ka sa yong social life, sa panahong wala ng kayang makaintindi sa’yo, sa panahong depress na depress ka na sa buhay ay nakakaya mo paring tumayo, mabuhay at ngumite.

Sa dinami-dami na ng pinagdaanan mo, bakit nga ba accountancy?

Habang tumatagal ang yugto ng buhay kasama ang kursong to, dito mo masasabing; Mas higit pa to sa sahod, mas higit pa to sa yaman na pwede kong makuha, mas higit pa to sa ‘passion’, mas higit pa to sa academics na natutunan ko.

No comments:

Post a Comment