Wednesday, December 26, 2012
Careful what you wish for.
Gusto mo yung taong hindi bibitaw kahit anong mangyari?
Pero para sabihin ko sa’yo, walang mas hihirap pa sa sitwasyon kung san pagod na pagod ka na at halos wala nang laban pero kailangan mo paring lumaban dahil malakas pa siya. Para kayong players sa Box Head, tapos ikaw, onti na lang, mamamatay na at ang bumubuhay nalang sayo, ang kakampi mo. Dahil siya na ang sumasalo lahat.
Naisip mo ba kung gano kahirap na mabuhay dahil lang may bumubuhay sayo? Alam mo ba kung pano mo masusuklian ang mga nagawa ng taong yun sayo? Pano pag siningil ka na niya? At pano kung ang magiging huling option mo ay ang magtiis hanggang sa bumitaw narin siya? Kakayanin mo ba?
Monday, December 17, 2012
May masaktan ka man, safe ka.
Hindi mo dapat gawing malambot ang puso mo. Hindi pwedeng isang lambing lang, babalik ka na. Hindi pwedeng isang sorry lang, papatawarin mo na. Hindi pwedeng lumuhod at nagmakaawa lang, pagbibigyan mo na. Hindi pwedeng pag umiyak, magbabago na ang isip mo.
Minsan, kailangan mong matutunang panindigan ang mga bagay na dapat. Kailangan mong gawing bato ang puso mo dahil yun ang kailangan mo para mabuhay ng matino. Yung hindi ka masasaktan. May masaktan ka man, safe ka.
tatawanan ko nalang din.
Kung papanuorin ko ngayon ang dating ako na namomroblema sa mga simpleng bagay, siguro tatawa ako ng tatawa. Ang dami kong pinroblema noon na ngayong nalampasan ko na, natatawa nalang ako. Ang daming pagsubok noon na muntik ko na sukuan, pero ngayon, sisiw lang ang dating sa’kin.
Ang dami kong pinatulang issues dahil nababanas ako kahit na wala naman akong kinalaman na ngayo’y tinatawanan ko nalang dahil natanto kong nagsayang lang ako ng oras. Ang dami kong pinagsisihan na ngayo’y hindi ko nalang naiisip.
Kaya panigurado, lahat ng gumugulo sa isipan ko ngayon, balang araw, tatawanan ko nalang din.
Subscribe to:
Posts (Atom)