Friday, September 28, 2012

Ooh para na naman sa mga di maka MOVE ON!

Marami sa atin ang pumasok sa isang relasyon, naging seryoso ng sobra sobra at nasaktan. Pero parte yan ng buhay natin. Hindi tayo matututo kung hindi tayo madadapa. Ang buhay, hindi puro rainbows at butterflies. So kung nagtatanong kayo kung pano mag move on? Here's how. Wag kang feeling strong. Umiyak ka, umiyak ka ng umiyak, umiyak ka hanggang gusto mo, hindi masama umiyak. Minsan pag sobrang sama na ng loob mo, ang sarap umiyak. Kasi ang pag momove on wala yang shortcut.. Hindi yan laro na pwede mo gamitan ng cheat code. Siguro isa ka rin sa mga tao na sinabing. "OO NAKAPAG MOVEON NA AKO" Pero pag nakita mo sya bigla kang nalalanta, nanlalata yung mga tuhod mo at minsan parang tinutuhog yung puso mo. O ano? Nakapag move on ka na nga ba? Makulit ka eh. Alisin mo sya sa facebook account mo, I unfollow mo sya sa twitter mo. Bitter? Oo pero kelangan. Hindi naman totoo yung pag nag break kayo na "Sana friends parin tayo" Para mo na ring sinabing Itatabi ko tong aso ko kahit patay na sya. Burahin mo lahat ng pictures nyo together, kung ano mang bagay ang naiwan nya sayo, Isauli mo, kung ayaw nya tanggapin. Sunugin mo. Kasi sa mga maliliit na bagay na yun nakatago lahat ng sakit. Magdasal ka. Humingi ka ng guidance from above, humingi ka ng strength para malampasan mo ang pinagdadaanan mo ngayon. You need his divine intervention. Libangin mo sarili mo, Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa kanya, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan. Isipin mo kung bakit umiikot ang mundo o bakit gawa sa tubig ang dagat. Bakit mainit ang apoy o bakit mabaho ang utot. Promise pag nasagot mo na yang mga yan im sure nalimutan mo na sya. Mag focus ka sa ibang bagay. Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Binigyan ka ng kakayahan ng Diyos para tulungan ang sarili mo. Magkusa ka kasi walang taong makakapagsabi kung kelan ka man dapat maging masaya. Kasi at the end of the day ikaw lang ang tunay na nakakakilala sa sarili mo. Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Dapat maging okay ka muna. Mahalin mo ang sarili mo ng lubos. Mahalin mo hanggat wala pa yung tamang taong naka destined sayo kasi kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo. Wala ka rin capability para mahalin ang ibang tao. Hindi sagot ang pagpapakamatay o paglalaslas. HELLO?! Sa tingin mo babalik yung alala nyo sa kada hiwa ng blade na ginagawa mo? Sa tingin mo Magkakabalikan kayo pag nagpakamatay ka? Isang tao lang yun uy! Napakaraming tao sa mundo and I'm sure na isa dun ay nakatadhana sayo..

Monday, September 17, 2012

..mapasaakin ka.

Pagtingin ko sayo kailan mo mapapansin? Ano nga bang magbabago, kung ako ngayo’y umamin? Bawat sulyap hiling ko’y tumingin ka, para naman kahit minsan matitigan kita. Mundo ko’y unti-unti mong binubuo, gagawin ko lahat mapalapit lang sa sayo. Di ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko, Kita mo, nauubusan na nga ako ng liriko. Nung una iniidolo lang kita, Ngayon pangarap ko nang mapasaakin ka.

Tuesday, September 4, 2012

Ang hirap din palang magsulat kung alam mong wala namang may paki sa gagawin mo. Ang hirap magsulat kung alam mong wala kang aalayan. Ang hirap magsulat lalo na’t alam mong wala namang makakapansin. Ang hirap magsulat ng walang magbabasa. Siguro nga, dapat, hindi ka magsulat para sa iba Pero ano nga bang saysay ng sinulat mo kung bilang isang manunulat, wala kang nabuksang isipan o napag-ambagan ng kaalaman mo?

Monday, September 3, 2012

TORPE mo dre.

Kahit ilang beses, ilang araw, ilang taon mo pa siyang sundan, iisipin, titignan, papaginipan —ay hindi siya magiging sayo kung puro katorpehan lang nalalaman mo. Lalake ka dre, diba? Dapat may lakas ng loob ka. Dapat matapang ka. Wag papatay patay. Walang nabubuhay sa papatay patay. Matatalo ka nyan. Gorabels! :)

Saturday, September 1, 2012

Pasensya na kasi hindi ako perpekto.

Sorry naman kung ganito ako. Sabihin mo na ang lahat ng mali sa akin. Ganito ako eh. Wala akong magagawa. Pasensya na kung simpleng ilaw lang, hindi ko mapatay. Simpleng basurahan lang na puno, hindi ko mapalitan. Mga gamit ko na naiwan ko lang sa kwarto nyo, hindi ko makuha at mailagay sa tamang lalagyan. Simpleng 3 plato lang, hindi ko mahugasan. Ako na itong tamad. Ako na itong walang kusa. Ako na itong makakalimutin. Pasensya na dahil nagkaroon kayo ng isang anak na katulad ko. Pasensya na kasi ganito ako. Tinatry ko naman ang kaya ko pero sadyang makakalimutin din ako minsan dahil marami rin akong iniisip. Sana ndi na lang ako naging anak nyo para ndi kayo nagkakaganyan.

Minsan kasi masyado ng nagiging demanding yung mga babae.

Gusto nila ng ganito, ayaw nila ng ganyan. Meron talagang mga bagay na hindi mag-memeet sa expectations mo. Tapos biglang, aawayin mo yung boyfriend mo. Minsan, kasi kung paulit ulit na ganyan magsasawa rin yung mga lalaki kakalambing at suyo sayo. Kahit mahal ka nila, may hangganan pa rin yung kapag sumosbra na. Saka, minsan hindi lalaki yung nagiging dahilan ng mga pag-aaway. Hindi mo lang kasi nakikita yung mga pagkakamali mo kaya naninisi ka ng iba.

Para sakin ang mga babaeng desente at tapat ay tinatrato ng mga lalake ng maayos. →

Kasi pag pinaglaruan, nag mumukhang wasted yung babae. Syempre ang babae pinapahalagahan nya yung srili nya, yung reputasyon nya tapos iiwanan lng ng lalake? Dami pang matitinong lalake sa iba tapos nasayang lng ung puso nya sa isang sira ulong lalake? Ang mga babae nirerespeto! Ginagalang! Ang mga babae sensitive sa mga sinasbi nila kaya karapat dapat na igalang. Di ko lng talaga matanggap na may mga babaeng nasasaktan kasi nagkamali sila. Alam kong part yun ng paglaki kaso kung mamimili ka nalang din wag mo lang titignan yung panglabas, yung kalooban nya din! Gwapo nga pasaway naman? Cute nga, mayabang naman! Ano kaya un? Diba.

i love you .. →

Ang pag ibig walang dahilan, walang sukatan at hindi maipaliwanag kung bakit mo sya minamahal. Kung sabihan ka ba ng 8 araw sa isang linggo ma-eexplain mo ba sakanya bakit 8 araw kung 7 araw lang naman sa isang linggo dba? Para sakin, siguro, makarinig ako ng ganyan mula sa isang tao mag tutumbling na ko sa tuwa and i’m pretty sure na kahit ibang lalake ang sabihan nyan matutuwa (: Kung ang sasabihin mo naman sakanya na mahal mo sya at kaya mong ibigay ang buwan at araw sakanya. Naku Dre! Halatang nambobola ka na. Dahil kahit na sinong tao walang makakahatak ng buwan at araw para ibigay lang sa minamahal nya. Sino ka si Bruce Almighty? XD Mas maganda parin ung simpleng mga salita na hindi mapaliwanag keysa sa mga salitang malalalim kung hindi naman kapani-paniwala.

Selos.

Isang proseso na gingawa ng iyong utak na tiyak na tumatama papunta sa iyong puso at tagos mula laman hanggang buto. Tama? Oo. Tama kasi nagwawalang bahala ka pero sa loob mo ay di mo maipaliwanag kung bakit tila nawawala ka, at isa pa kung sobra ay tila maguumpisa ka na ng gyera. Mali? Oo. Mali kasi nakakasawa sa matagalan at nakakairita kung madalas at pareparehas na, at ang mas mali kung hindi mo sasabihin sa kanya na nasasaktan ka sa ginagawa niya.

Once you fall in love,

you take the risk of accepting the person. You don’t need to find answers kung bakit mo siya mahal, kasi lahat nagbabago but if you accept that person magbago man siya in the middle of the relationship, hindi ka masasaktan kasi tanggap mo siya ng buo. Mahirap gawin pero masarap subukan dahil wala nang mas sasaya pa if you let that one person feel na mahal na mahal mo siya without asking for anything in return.

HINDI KA NGA LANG NAKUNTENTO!

Minsan kaya tayo nasasaktan hindi naman dahil sa mga taong minamahal natin. Minsan kasi tayo din yung gumagawa ng dahilan para masaktan tayo. Nagseselos sa walang katuturan, nagagalit ng walang paliwanagan kaya humahantong sa hiwalayan tapos magsisisi ka na lang sa huli kapag wala na yung taong yun. Magiging bitter kapag feeling mo binigay mo na ang lahat. Pero naisip mo ba na maaring ibinigay din niya ang lahat. HINDI KA NGA LANG NAKUNTENTO!

One way for you to not get hurt.

Don’t take anything seriously. Totoo naman diba? Wag mong seryosohin lahat. Learn how to play the game. Don’t get too attached. Niloloko at pinaglalaruan ka niya? Makiride ka. Syempre hindi to tama. Parang ibig sabihin ayaw mong gamitin ang puso mo, tinitigasan mo. Pero diba kaya naman may mga taong manhid dahil natatakot lang silang masaktan?