Wednesday, April 25, 2012
one step back?
Walang karapatan ang sinuman na pagtawanan o husgahan ka dahil hindi ka pa nakakamove-on. Iba-iba ng pagproseso ng tao, meron minuto lang ok na, (tao ba yun?), meron din naman maputi na lahat ng buhok niya sa katawan bitter pa din. Pero utang na loob ulit, tulungan mo ang sarili mo, desisyon mong umapak sa kumunoy na nilubugan mo, desisyon mo din kung kailan ka aalis jan, magtatagal ka ba diyan at hahayaang kainin ka ng buong buo ng kumunoy na ikaw din naman ang kusang umapak, o kakapit ka at pipiliting umahon, wala pagkakaiba kung mag momove-on ka next week or next year, ang mahalaga, hilom ka na. Sasabihin mo na namang mahirap, talagang mahirap, makita mo lang siya, babalik ka na naman sa simula, you tried stepping 100 times forward but a single step back, and you find yourself back from the start. Tama ka, ganun nga yun. Alam mo naman pala, eh bakit hinahayaan mo pa na icommit mo yung one step back?
Wednesday, April 18, 2012
SAY IT AND I’M YOURS.
I love you. So, akin ka na? No. No way. Hindi ko maintindihan kung bakit pag sinabing mahal mo ang isang tao, at yung taong yun e mahal ka rin, pwedeng pwede na. Pano yung sitwasyon? Kung komplikado man ang sitwasyon, bakit kailangang i-risk agad yung relationship nila bilang magkaibigan para sa mas komplikadong relasyon?
Bakit kahit na alam na natin na pag minadali natin ang isang bagay, isa lang ang kahahantungan—-ang katapusan. Pag mali ang isang bagay, pilit nating pinapatagal, dahil akala natin, yun ang tama at yun lang ang kaya nating gawin. Pero ang mali ay hindi kailanman magiging tama, kung mali ang timing. Hindi ba’t may nakalaan na tamang oras para sa lahat ng bagay?
Mas gugustuhin mo bang nagmahal ka ng tama sa maling panahon at dahil pagod ka na, magmamahal ka ng mali sa tamang panahon? Hindi ba’t lalong magiging komplikado ang lahat pag ganun ang nangyari?
Tandaan, great things come to those who wait.
How would you know kung worth it ang lahat?
Madaling araw na naman. At ngayon, nakasisiguro akong gising muli ang diwa ko. Siguro nga napaka-weird ko dahil sa gantong oras gising ang utak ko. Nocturnal?
Nakatext ko yung kaibigan kong babaeng kagagaling lang sa break up. Ang totoo, di ko sana papatulan yung mga pagtatanong niya sa lovelife. Ang kaso, nung sinabi niya na “Mga lalake talaga, pinaglalaruan lang kaming mga babae. Why does the nice girl always gets hurt?” ano pang magagawa ko? Edi malamang, sasagot ako.
I wondered why she had to say that to me. Bakit sa’kin pa? Anong kinalaman ko sa nararamdaman niya? Kaya’t binigyan ko siya ng paliwanag.
Ang totoo, tamad pa nga akong magreply kaya napaka-iksi ng mga sagot ko. Bakit nga ba bibitaw ang isang lalake? Bilang lalake kasi, alam ko yung mga naitulong ko, pwedeng tinandaan ko talaga yun para balang araw may maisumbat ako pero pwede rin naman para alam kong may ginagawa ako para mag work ang relationship. Pag napagod ang isang lalake sa pakikipaglaban ng mag-isa, mapapagod at mapapagod yan.
Maiisip niyang mahal niya nga yung babae pero mas mahal niya ang sarili niya kaya’t alam niyang he deserve someone better. Hindi ba’t tama na, na alam mong wala ka ng rason para ipagpatuloy pa ang laban? Ika nga, Love is not a fight, but it’s something worth fighting for. How would you know kung worth it ang lahat? Hindi ba’t kung alam mong masaya ka? Eh pano kung hindi ka na masaya dahil natetaken for granted ka na? Will you still stay? No.
Sino bang lalake ang papasok sa isang relasyong walang kasiguraduhan? Yung mga short time ang hanap? Pagisipan niyo.
Subscribe to:
Posts (Atom)