Monday, June 27, 2011

Kapos.

Kapos na ako sa oras para mag-isip.

Ang hirap ng marami ka ng kailangang gawin, may mga iisipin ka pa. Bagay nga raw to sa mga nagpapaka-independent. Sabi nga ni Pen, wala kang maasahan sa buhay kundi ang sarili mo. Ang hirap ng iaasa mo nalang sa iba ang lahat. Kaya hanggang ngayon e hindi ko parin maintindihan kung bakit nagagawa ng ibang taong hindi mangialam at iasa sa iba ang mga dapat ay ginagawa nila. Ayoko ng isipin.

Kapos…. Kapos na kapos. KAPOS. Tapos.

Monday, June 20, 2011

Spratly issue.

Okeyy.. Maglalakas loob nalang ako na isiwalat ang sarili kong opinyon. Unang una, sa mga naghahanap ng giyera, kayo nalang please. Marami pa akong pangarap sa buhay. Please lang. At sobrang laki ng halagang kakailanganin natin para tapatan ang mga armas ng Tsina.

Nakakalungkot lang isipin na karamihan sa atin e umaasa nalang sa tulong na makukuha natin sa mga karatig bansa na handang tumulong. Bakit? Dahil hindi natin kaya na tayo lang. Kailangan, may tulong ng iba. Marami laban sa isa, edi panalo!

Hindi ko rin naman maiwasang magtaka dahil may kakaiba akong pakiramdam na may tinatago sa islang yun ang mga Tsino. At kung ano man yun, malay natin? Baka ginto? LOL. Pero di rin natin masasabi, hindi ba?

Bukod sa marami raw oil dun, pag napasaatin yun, malaki raw ang tsansang umunlad na ang Pinas. At yun rin yung nagtutulak sa’ting mga Pinoy na ipaglaban yung islang yun.

Opinyon ko lang ha, pero kung ayaw nating pare-parehong daanin sa dahas, edi pag usapan ng matino para malutas. *Biruin niyong magkatunog pa yun?*

Monday, June 13, 2011

ika nila, "Pag may aalis, may darating. Kaya pag may mali sa meron ka ngayon, paalisin mo. Baka kasi may dumating."

Hindi ko alam kung bakit ako palaging natatawa tuwing may pinaguusapan kaming magkakaibigan at sabay maisisingit yang katagang yan. Pano ba naman kasi, totoo ngang pag may umalis, may darating. Dahil alam natin kung gano kahirap kapag meron pang nakapwesto at may panibagong darating, goodluck pare.

Pero hindi yata tamang paalisin ang isang tao sa buhay mo para maghintay ng kapalit? Mali. Bakit nga ba hindi natin maintindihan yung iisang punto ng karamihang taga payo na mahalin ang sarili nating pag-aari. Kahit pa alam mong may mas better dyan, pahalagan mo. E pano na kung paalisin mo nga yung taong pinapahalagahan mo dahil umaasa kang may mas better sakanya, tapos walang dumating? Edi ikaw ang talo.