Sunday, February 6, 2011

...

Naiinis ako pag may mga taong kinaiinisan ang nangyayari sa buhay nila… Pag napansin ko yun sa mga oras na pakiramdam ko’y masaya ang buhay.

Naiinggit ako sa mga taong masaya ang buhay… Pag ako’y nakakaranas ng matinding pagsubok.

Palagi namang ganun ang sitwasyon. Ang masaklap, iniisip natin na talagang pinaparamdam sa’tin ng tadhana kung gaano tayo kamalas tuwing may nakikita tayong mga taong masaya ang buhay.

Hindi e. Pero pwede narin. May mga tao lang talaga na mas pinipili pang magmukhang masaya para maramdaman din talaga nila na masaya sila dahil yun ang nakikita ng mga tao sa paligid nila.

Lahat tayo, sinusubok ng tadhana. E kung wala yun, para ka naring pumasok sa eskwelahan at walang ni kahit anong natutunan.

Ang buhay ay parang eskwelahan… Dito tayo natuto.

No comments:

Post a Comment