Saturday, January 29, 2011

Ayokong nag mumukhang mahina at talunan.

Sino nga bang papayag na mag mukha siyang mahina at talunan? Kaya nga na uso ang salitang pretend. Dahil nauso rin ang pagpapanggap ng mga tao.

Kunwari maayos ang lahat. Kunwari tanggap mo lahat ng nangyayari. Kunwari masaya ka. Kunwari wala ka ng pakialam.

Pero ang pinakamasaklap sa pagpapanggap ay ikaw lang ang nakakaintindi at nakakaramdam ng sakit na hindi mo ipinapakita sa ibang tao. Wala kang ibang magagawa kundi ipagpatuloy ang pagpapanggap lalo na’t kung alam mong walang makikinig at makakaintindi sayo.

Pagkatapos ng lahat, ikaw parin ang talo. Pero ikaw lang ang nakakaalam ng pagkatalo mo. Walang ibang maawa sayo at walang magsasabing “Ayos lang yan” dahil ipinapakita mo ngang maayos lang ang lahat.

Pag meron kang nararamdaman na ayaw mong ipakita sa iba, magpapanggap ka. Sasabihin mong ayos lang, wala kang problema at masaya ka na.

Swerte nalang kung may mangulit talaga sayo na alamin ang problema mo para tulungan ka niya. At yung mga ganung tao ay yung mga taong dapat hangaan mo. Dahil kahit siya, alam niya ang tunay mong nararamdaman.

No comments:

Post a Comment