Saturday, January 29, 2011

'NA' o 'PA'?

Alin kaya ang mas kaya mong pakinggan?

Mahal na kita? Mahal pa kita?
Masaya na ako sa’yo. Masaya pa ako sa’yo.
Hindi na kita mahal. Hindi pa kita mahal.
Ayoko na. Ayoko pa.
Tayo na ba? Tayo pa ba?
Simpleng salita. Isang letra lang ang naiba. Pero ang laki ng nabago diba?

Ayokong nag mumukhang mahina at talunan.

Sino nga bang papayag na mag mukha siyang mahina at talunan? Kaya nga na uso ang salitang pretend. Dahil nauso rin ang pagpapanggap ng mga tao.

Kunwari maayos ang lahat. Kunwari tanggap mo lahat ng nangyayari. Kunwari masaya ka. Kunwari wala ka ng pakialam.

Pero ang pinakamasaklap sa pagpapanggap ay ikaw lang ang nakakaintindi at nakakaramdam ng sakit na hindi mo ipinapakita sa ibang tao. Wala kang ibang magagawa kundi ipagpatuloy ang pagpapanggap lalo na’t kung alam mong walang makikinig at makakaintindi sayo.

Pagkatapos ng lahat, ikaw parin ang talo. Pero ikaw lang ang nakakaalam ng pagkatalo mo. Walang ibang maawa sayo at walang magsasabing “Ayos lang yan” dahil ipinapakita mo ngang maayos lang ang lahat.

Pag meron kang nararamdaman na ayaw mong ipakita sa iba, magpapanggap ka. Sasabihin mong ayos lang, wala kang problema at masaya ka na.

Swerte nalang kung may mangulit talaga sayo na alamin ang problema mo para tulungan ka niya. At yung mga ganung tao ay yung mga taong dapat hangaan mo. Dahil kahit siya, alam niya ang tunay mong nararamdaman.

..Mas mabuting pag masdan mo nalang kahit durog na durog na yang puso mo.

Dahil minsan, pag gumawa ka pa ng paraan… Yun pa ang mag papalala ng sitwasyon.

May mga bagay din kasi na mas mairal pa kung titigan mo nalang at tanggapin mo nalang ang sakit na nadarama mo. Sapagkat may mga bagay na pag ginawa mo pa lahat ng makakaya mo para maayos, mas makakasakit sayo dahil nag-effort ka ng husto.

..Iba ang pakiramdam kapag alam mong kaya mong baguhin ang isang tao.

Pero sobrang hirap pala pag ganito ang sitwasyon. Aasa ang mga tao sa paligid niyo sayo, dahil alam nilang ikaw ang makakapagpabago sa ugali ng isang tao. Kasi yung taong yun, handang magbago para sayo.

Hinding hindi mo mabibitawan ng ganun kadali ang taong yun dahil dumedepende sayo yung ibang tao.

Ang hirap pala pag may nakadepende sayo. Dahil kahit mismo pansarili mong kasiyahan, hindi mo na alam kung pano makakamit dahil ayaw mong makapanakit.

Friday, January 28, 2011

MATULOG.

Ang hirap pala umiwas sa mga bagay na nakasanayan mo, ano? Hindi mo alam kung paano sisimulan ang panibagong istilo mo ng pamumuhay dahil hahanap-hanapin mo parin ang nakasanayan mo. pero may naisip na ata akong paraan..MATULOG!

Mahirap umiwas sa mga taong nakasanayan mo ng makasama. Mahirap din namang lumayo sa mga taong di mo gustong layuan. pero may naisip na ata akong paraan..MATULOG!

Ang mga bagay, tao at kung ano mang aktibidad mo sa buhay na nakasanayan mo na ay sadyang mahirap kalimutan. pero may naisip na ata akong paraan..MATULOG!

Manhid.

First time kong masabihan ng ganyan sa personal kagabi. Nagulat ako. Hindi naman kasi ako talaga manhid. Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niyang sabihan ako ng ganon.

Siguro, akala niya.. Hindi ko nararamdaman yung gusto niya. Akala niya lang yun. Gusto ko kasi, yung sinasabi muna sakin. Kasi, mahirap mag-assume, Diba? Nakakahiya naman e.

“Ang manhid manhid manhid manhid mo. :|”

Monday, January 24, 2011

Fuck What You Think.

If you’re too nice, they’ll think you’re fake.
If you’re too honest, they’ll think you’re mean.
If you’re too sad, they’ll think you’re sensitive.
If you’re too clingy, they’ll think you’re annoying.
If you’re too careless, they’ll think you’re heartless.
If you’re too selfish, they’ll think you’re an asshole.
Well, why don’t I just be myself & not give a fuck what you think?

bust period..

01/24/11

Naging maayos na ang lahat.
Nalinaw na ang mga bagay na dapat linawin.
Nakaramdam ako ng iba’t ibang pakiramdam.
Masaya na may mga taong handang makinig sa’kin.
At medyo naguluhan dahil hindi normal ang lahat.

Tuesday, January 18, 2011

yeah I hope she won't read this..

She may not see that I'm jealous. She may not feel that I'm hurt. She may not hear my cries but every time I remember she's not mine, a huge part of me dies..

Sunday, January 9, 2011

face looks plastic but shiit the hands O__O



In Chihuahua, Mexico, local rumor has it that this mannequin, known as “Pascualita,” is actually an embalmed body. According to legend, a lady named Pascuala Esparza owned a wedding boutique in the city, making dresses for soon-to-be brides. Her own daughter, Pascualita, was engaged to be married, so Pascuala set about to make her a special dress. Everything was planned when, on the day of the wedding, tragedy struck. Supposedly, Pascualita was bitten by a poisonous insect and later died. Distressed by the death of her daughter, Pascuala set out to immortalize her. She embalmed the body, dressed it in her wedding gown, and propped it up in the window of her boutique, for all to see.

Today, Pascualita remains standing in the window of “La Popular” in downtown Chihuahua. Although commonly regarded to as a myth, the details in the mannequin (especially in the hands) keep onlookers wondering.

Hands down! this kid is a legend. He’s manned up! :)




This is A-Long. He is 6 years old and both of his parents died and he lives alone at the top of a mountain with his dog Lao Hei. He cooks , cleans , gardens , and lives all by himself. Despite the fact he has no parents and he lives by himself , he still manages to keep a beautiful smile on. Sadly he is not allowed to go to school because he has HIV AIDS. He teaches himself how to read and write. In his spare time , he plays with his dog , other wise he is busy cooking , gardening or looking for firewood.

Saturday, January 8, 2011

Tiwala...

Napakahirap bumuo ng tiwala. Pero isang pagkakamali mo lang, wala na ang kalahating pursyento ng pinaghirapan mo.

Ang mahirap nga lang, ibalik yung tiwalang binuo mo. Ang hirap ipanumbalik yung mga panahong malaki ang tiwala sayo ng ibang tao.

At isa pa, napakahirap narin makisama sa isang taong nabawasan na ang tiwala sayo. Hindi kumportable at parang laging nangangati ang buong katawan mo pag nalalapit ka sakanila. Parang lumalayo ng lumalayo ang loob niyo sa isa’t isa.

Pero, naalala kong may paraan pa para onti onting manumbalik ang tiwala sayo ng isang tao. Aminin mo ang pagkakamali mo. TAPOS.

Distansya...

Minsan, kailangan mong dumistansya sa mga bagay na nakakapagpasaya sayo. Dahil, minsan, ang ikasisiya mo ay ang ikalulungkot ng iba. Mahirap, pero kung importante yung mga taong ikalulungkot ang kasiyahan mong nahugot mo sa isang pagkakamali, gagawin mo parin ang tama.

Meron din namang pagkakataong didistansya ka sa ibang tao dahil alam mong may iba nang nalalapit sakanila. Isa yun sa pinakamasakit na dapat gawin sapagkat mararamdaman mo talaga ng paonti-onti, na kaya nilang mabuhay ng wala ka na sa tabi nila.

Pero ang pag didistansya ay naaiba sa paglayo. Ang paglayo ay isang klase ng pagiwan sa mga tao… Samantala ang pagdistansya naman ay isang klase ng paglayo na may kasamang pakiramdam na gusto mong bumalik dun dahil yun ang gusto mo (ang kaso… mali yun).