Ang bata mo pa para sabihing pag ibig nga yang nararamdaman mo. Ano nga ba ang alam mo sa pag-ibig? Hindi ko sinasabing wala kang karapatang magmahal o tawagin ang sarili mong nagmamahal kahit bata ka pa. Ang sa akin lang ay malamang na hindi pa iyan pagmamahal. Dahil dadating ang araw na malalaman mo kung ano talaga ang pagmamahal. Napakalawak ng mundo, napakarami pang bagay ang pagdadaanan mo. Hinay hinay lang, dahan dahan, wag magmadali. Masarap magmahal pero masakit masaktan. Ingatan mo ang puso mo hanggang may pagkakataon ka, at wag tumulad sa iba na sa sobrang pagmamadali ng mga bagay eh wala ng pag-ibig na maibibigay sa tamang tao para sa kanila dahil naibigay na nilang lahat sa maling nagdaan. Mag aral ka muna, dahil dadating at dadating ang tamang tao para sa’yo sa tamang panahong itinakda ng Diyos. Hindi ko sinasabing wag kang magkagusto, magkagusto ka at gawin mo syang inspirasyon. Hindi naman kinakailangang may relasyon kayo para mabago ka ng tao sa mabuting paraan o para maging inspirado ka.
Wag mong tawaging pagmamahal yan, hindi pa yan pagmamahal. Bata ka pa. Tangapin mo ang katotohanan. Tangapin mo din na anu mang oras ay maaari kayong maghiwalay.
No comments:
Post a Comment