Monday, November 12, 2012
Hindi ko alam..
Hindi ko alam kung kailan ko maiintindihan kung bakit may mga taong handang magpaka-engot para sa pag-ibig. Hindi ko alam kung pano nila nagagawang lunukin ang pride nila para lang maipakita sa minamahal nila ang nararamdaman nila. Hindi ko alam kung pano nilang natitiis na hindi ipakitang nasasaktan sila tuwing binabalewala sila ng taong itinuturing nilang mundo. Hindi ko alam kung pano nila nagagawang gawin ang lahat para lang makapagpasaya ng isang taong dahilan ng kalungkutan nila.
Pero ganun nga raw ang pag-ibig. Sa una, give and take. Pero sa huli? Give and give nalang. Kasi kukunin at kukunin rin nila lahat sa’yo. Ang oras mo, desisyon mo at lahat ng bagay na pagaari mo, damay ang puso mo. Hindi ka pwedeng magsawa kung totoo ang nararamdaman mo. Hindi ka pwedeng magreklamo.
Dahil kapag kumagat ka na sa patibong ng pag-ibig, hinding hindi ka na makakalaya ng walang gasgas o sugat ang puso mo.
Subscribe to:
Posts (Atom)