Thursday, October 11, 2012
Kabanas diba?
Ang hirap kapag yung mga lagi mong nakakausap dati, hindi mo na nakakausap ngayon. Yung tipong daily routine niyo na ang magkwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay niyo tapos bigla na lang mawawala. Ang mas mahirap pa, yung nakikita mo namang online siya sa FB pero hindi ka pa rin pinapansin. Ang pinakamahirap pa, yung chinat mo na, inisnob ka pa.
Tuesday, October 2, 2012
Cybercrime Law
Bilang isang blogger, syempre, sinong hindi aayaw dito?
Isheshare ko nalang ang pagkakaintindi ko sa law na ‘to. Ang Republic Act No. 10175, ay nagsasabing;
Wala kang karapatang mag post ng opinyon mo sa internet.
Kung may na-offend ka man sa mga binitawan mong kumento, pwedeng pwede kang kasuhan.
Miski bata ka pa o ano, pwedeng pwede kang kasuhan.
Kahit ni-retweet mo lang ang isang tweet na nakakaoffend sa iba, pwede ka naring kasuhan.
…
To sum it all up, mawawalan ng kalayaan ang lahat ng taong magsiwalat ng nararamdaman nila sa internet. Oo, kasama ka rito. Apektado ka rin, tulad ko.
Ang hindi ko maintindihan, sa lahat ba naman ng cybercrime, bakit mas binigyan ng atensyon ng gumawa ng law na ‘to yung laya sa pagsisiwalat ng nararamdaman ng isang tao? Bakit hindi yung mga pornsites, tth entries, malalaswang social networking sites at kung ano ano pa ang binigyan nila ng pansin?
Kasi ang totoo, mas naka-focus yung law na ‘to sa mga bloggers at yung mga gustong ipagsigawan ang nararamdaman nila sa mundo. Kung masipag kang magbasa, basahin mo ‘to. http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/
Siguro, kung may magandang magagawa man tong law na ‘to, yun ay yung pagbawas ng cyberbullying. Pero ang punto ko, hindi lang naman yun ang kalokohan sa internet! Ang nangyayari, parang Martial Law nalang ulit to, sa internet. Sinong niloko niyo?
“The 1987 Constitution is clear in stating that no law shall be passed abridging the freedom of expression, speech and press.” - Alam Partylist
So, ano ‘tong cybercrime law na ‘to?
Hindi ba nila napapansin na ang mundo ng tao ay umiikot na sa internet? Hindi lang naman tayo ang nakikinabang. Sila rin. Buti nga’t nagkaron pa ng pagkakataon ang bawat mamamayan na ipahiwatig ang saloobin nila sa mga public officials na may Twitter o FB account eh.
Sangayon ako sa sinabi ni Sen. Guingona III, “The last time I checked, we were still a democracy—we want empowered citizens, not scared and passive ones.”
Kung ayaw niyo maulit ang People Power, ayusin niyo to. Dahil hinding hindi ako papayag na kunin ang karapatan kong isiwalat ang nararamdaman ko sa mundo ko ngayon, ang internet.
Subscribe to:
Posts (Atom)